Ayon kay Defensor, ang itinalagang mamuno ngayon sa PhilHealth na si Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus ay kakagaling lamang sa operasyon sa puso kaya “technically” ay walang liderato ngayon ang PhilHealth.
Sabi naman ni Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla na sa ngayon ang maituturing na lider ng PhilHealth ay si Health Secretary Francisco Duque III bilang Chairman of the Board ng PhilHealth.
Pero katwiran naman ni Defensor, kung sa polisiya ay si Duque ang nangunguna pero pagdating sa administrative ay walang nagbibigay kumpas sa PhilHealth kaya’t nakakatakot aniya na leadership sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa pagdinig ng komite inamin ni PhilHealth Board of Directors Corporate Secretary Atty. Jonathan Mangaoang na kamakalawa lamang pinili ng board ng PhilHealth si De Jesus na kapalit ni Morales bilang OIC.
Hindi rin aniya napagusapan o ikinunsidera ng Board ang sitwasyon ng kalusugan ni De Jesus na kagagaling lang din sa “pacemaker implant” sa puso.
Nababahala ang mga kongresista na sa lagay ng kalusugan ng OIC ay hindi nito kayanin ang demands sa pagdinig patungkol sa mga katiwalian sa PhilHealth.