Metro Manila mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:06 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Quezon at Cavite.

Pinayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding makaranas ng landslides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...