Nominasyon para sa muling pagtakbo bilang presidente pormal nang tinanggap ni Donald Trump

Pormal nang tinanggap ni US President Donald Trump ang nominasyon ng republican party para sa pagtakbo niya sa ikalawang termino.

Sa kaniyang pahayag, nangako si Trump na may mas magandang pang kinabukasan na naghihintay sa Amerika sa susunod na apat na taon.

Kasama ni Trump na humarap sa publiko ang kaniyang asawa na si First Lady Melania Trump.

Habang ang anak niyang si Ivanka Trump ang nag-introduce sa kaniya.

Sa kaniyang introduction, sinabi ni Ivanka na inaatake ang kaniyang ama sa pagiging “unconventional”.

Pero minahal aniya ito sa pagiging “totoo” at inirerespeto niya ito.

Kabilang sa mahigpit na kalaban ni Trump ay si Democratic nominee Joe Biden.

 

 

Read more...