Global death toll sa COVID-19 mahigit 835,000 na

Sumampa na sa mahigit 835,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 835,620 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 184,796.

Sumampa naman na sa mahigit 118,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 62,500.

Sumampa naman na sa mahigit 17 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...