14 na pulis ng PNP-Tuguegarao, kabilang ang chief of police nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang 14 na pulis kabilang ang chief of police at Deputy chief of police ng PNP Tuguegarao City.

Batay ito sa datos na inilabas ng Provincial Health Office ng Cagayan sa pamamagitan ni OIC -Provincial Health Officer, Dr. Carlos Cortina III.

Maliban sa mga pulis na nagpositibo, umabot na sa 32 ang mga preso mula sa PNP-Tuguegarao ang nagpositibo din sa sakit.

Maliban kasi sa 15 preso na naiulat na nagpositibo kahapon, ay mayroon 13 pang preso ang nadagdag sa bilang ngayong araw (Aug. 28).

Dahil sa dagdag na mga kaso, sumampa na sa 70 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City.

Ang nasabing lungsod ay isinailalim na sa modified enhanced community quarantine dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

 

 

 

 

Read more...