Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 181.69 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (August 28) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.06 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.21 mas mababa sa antas nito kahapon na 99.34 meters habang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.84 mas mataas sa antas nito kahapon na 78.74 meters.
Samantala, ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Magat at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.