Mahigit 700 pang Overseas Filipinos nakauwi sa bansa kahapon

DFA Photo

Mayroong mahigit 700 pang Overseas Filipinos ang umuwi sa bansa kahapon.

Sa nasabing bilang, 243 ay mula sa Qatar.

Mayroon namang 500 pang OFWs ang umuwi sa bansa mula sa United Arab Emirates.

Karamihan sa kanila ay naapektuhan ng pandemic ng COVID-19 kaya nagpasyang magpasailalim sa repatriation.

Lahat ng umuwing OFs ay isinailalim sa swab test at papayagang makauwi sa kanilang pamilya sa sandaling magnegatibo sa test.

 

 

 

 

Read more...