Enrollees para sa SY 2020-2021 mahigit 23.72 million na

Umabot na sa mahigit 23.72 million na mga mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021.

Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) na nakalap ng Radyo INQUIRER, 23,728,626 na mga mag-aaral na ang nakapagpa-enroll.

Sa nasabing bilang 21,862,059 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.

1.82 million naman ang nagpa-enroll sa private schools.

Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,499,137.

May nagpa-enroll din na 7,475,892 para sa junior high school habang 2,658,663 sa senior high school.

Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang enrollment sa ilang pribadong paaralan.

 

 

 

 

 

Read more...