126 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng 126 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 2,600 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 1,535 ang mga gumaling sa sakit at 1,049 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte, Samar, at Southern Leyte.

Karamihan ay close contacts ng nauna nang mga pasyente.

Habang mayroon ding mga LSI na umuwi ng kani-kanilang lalawigan.

 

 

Read more...