4 patay sa pananalasa ng Hurricane Laura sa Louisiana

Nakapagtala na ng apat na nasawi kasunod ng panalalasa ng Hurricane Laura sa Louisiana.

Ayon kay Gov. John Bel Edward ito na ang pinakamalakas na bagyong nag-landfall sa kanilang lugar.

Nasa Category 4 ang bagyo nang tumama ito sa Louisiana.

Patuloy pa ang ginagawang damage assessment ng pamahalaan ng Louisiana sa idinulot na pinsala ng bagyo.

Ang mga nasawi ay nasa loob ng kanilang mga bahay na nabagsakan ng naglalakihang puno.

Sa update mula sa US National Hurricane Center, humina na ang bagyo at naging tropical storm na lamang.

 

 

 

Read more...