LPA sa loob ng bansa magiging bagyo sa susunod na 24 na oras

Posible nang mabuo bilang tropical depression ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa

Ang Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan sa layong 1,075 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras ay magiging ganap na bagyo na ang LPA.

Samantala, apektado naman ng Habagat ang halos buong bansa.

Dahil sa Habagat, ang Bicol Region at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa dahil sa Habagat at localized thunderstorms.

Nakataas naman ang gale warning sa Batanes, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte kaya pinapayuhan ang may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot.

 

 

Read more...