Walang Pinoy na nasugatan sa Sumatra quake–DFA

earthquake.usgs.gov
earthquake.usgs.gov

Walang Pinoy na nasugatan sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Indonesia kagabi.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Asec. Charles Jose, sa ngayon wala pang ulat mula sa embahada ng Pilipinas doon na may Pinoy na nasugatan sa lindol sa Sumatra.

Sa kabila ng malakas na magnitude ng lindol, walang naitalang pinsala ang pamahalaan ng Indonesia.

At kahit may mga naitatala pa ring aftershocks, balik na sa normal ang sitwasyon sa Padang.

Gayunman, nagdulot ito ng panic matapos magtaas ng tsunami warning na kalaunan ay binawi rin naman.

Noong 2004, tumama ang 8.9 magnitude na lindol sa Sumatra, Indonesia na ikinasawi ng mahigit 200,000 katao.

Read more...