Pacquiao-Bradley fight dapat matuloy-Sen. Bongbong Marcos

PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO

Kinakailangang maresolba ang isyu ng pagkwestyon sa magaganap na laban ni People’s Champ Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa April 9, ayon kay vice presidential candidate, Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.,

Ani Marcos dapat alalahanin ng mga nananawagang ipagpaliban ang laban na ang magaganap ay isang international sports event at si Pacquiao ay hindi lamang lalaban para sa sarili kundi para sa bansa.

Sinabi ni Marcos na malaking karangalan na ang naihatid sa Pilipinas ng pambansang kamao bilang boxing champion. “He is Manny Pacquiao, he is a sports champion, he is our champion. He brought a great deal of honor to the Philippines, I think we should allow him to continue doing it,” ayon kay Marcos.

Kung hindi aniya maipapagpaliban ang laban gaya ng nauna ng pahayag ng kampo ni Pacquiao, dapat ayon kay Marcos ay magkaroon ng kompromiso ang bawat partido para hindi naman maalisan ng pagkakataon ang publiko na mapanood ang laban.

Sinabi ni Marcos na marami pa ring nag-aabang sa ikatlong paghaharap nina Pacquiao at Bradley kaya dapat lang itong maipalabas pero dapat ding masolusyonan ang isyu na maari itong magdulot ng ‘disadvantage’ sa ibang senatorial candidates. “We should find a compromise. This is a gray area so the Filipino people can enjoy watching our champion fight and bring honor to the country but at the same time not put the other senatorial candidates at a disadvantage,” dagdag pa ng senador.

Magugunitang kinukwestyon ang magaganap na Pacquiao-Bradley rematch dahil pasok ito sa panahon ng kampanya at tiyak na magiging bentahe sa panig ni Pacquiao na tumatakbong senador na mabibigyan ng libreng media coverage para sa nasabing laban.

Read more...