LPA sa loob ng bansa, maliit pa ang tsansa na maging bagyo sa susunod na 24 oras

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 1,045 kilometers Silangan ng Baler, Aurora.

Pinalalakas aniya ng LPA ang Habagat sa ilang bahagi ng bansa.

Partikular na naaapektuhan ng Habagat ang bahagi ng dulong Hilagang Luzon, Visayas at Mindanao.

Bunsod nito, sinabi ni Perez na asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Eastern Visayas at buong Mindanao.

Maliit pa aniya ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras.

Ngunit, nagbabala si Perez na sa susunod na 36 hanggang 48 oras, maaari aniyang maging Tropical Depression ang LPA.

Read more...