Sen. Tolentino: Programang pabahay, napakahalaga sa gitna ng pandemya

Itinutulak ni Senator Francis Tolentino ang paglalatag ng mga programang-pabahay ng gobyerno sa gitna ng kinakaharap ng bansa na pandemIya.

Diin nito, ang bahay ang nagsisilbing ‘frontline defense’ laban sa COVID-19.

“Kapag sinabi po nating lockdown, stay at home, bahay po yung pinag-uusapan. Pag sinabi po nating quarantine, bahay po iyong pinag-uusapan,” sabi ng senador.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, ipinaliwanag nito ang pangangailangan para bigyang halaga ang mga programang pabahay.

Inihain ni Tolentino ang Senate Bill No 1774 para maresolba ang ‘housing backlog’ at magkaroon ng sariling bahay ang bawat pamilyang Filipino.

Layon ng kanyang panukala na awtomatikong makapaglaan ng pondo sa mga kinauukulang ahensiya gobyerno para sa malawakang programang pabahay.

Read more...