Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Duljo Fatima bandang 7:30 ng gabi.
Limang drug suspect ang naaresto sa operasyob.
Nakilala ang mga drug suspect na sina Judito Sundo Gurrea, Ricardo Siap Andales, Wilgen Luchavez Estrera, Clint Yasap Nuñez, at Rocky Sumotia Bohol.
Nakuha sa operasyon ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74,800.
Nakumpiska rin ang ilang drug paraphernalia at ginamit na buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa sa mga drug suspect.