Ilang bahagi ng Central Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang probinsya sa Central Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:50 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Nueva Ecija at Zambales.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Pampanga partikular sa Mabalacat, Magalang at Angeles City.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...