Sa kanyang pagharap sa joint hearing ng House Committee on Public Accounts at House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Bala na walang walang katotohanan na mayroon siyang direktiba o guidance para sa suppression ng impormasyon.
Sa katunayan, siya nga aniya ang nagbigay ng pahintulot para ibigay kay Lizada ang listahan ng mga mga opisyal ng PhilHealth na mayroong pending cases sa CSC.
Bukod dito, iginiit ni Bala na nakikipagtulungan din ang CSC sa Task Force na sumisiyasat sa mga iregularidad sa PhilHealth.
Nauna nang sinabi ni Lizada na ipinag-utos ni Bala sa kanilang virtual meeting na huwag magbibigay ng impormasyon sa mga nakabinbing kaso ng PhilHealth sa komisyon sa kahit anong uri ng pagsisiyasat, ‘in aid of legislation’ man ito o kahit anong uri imbestigasyon.
Ayon kay Lizada, recorded ang statement na iyon ni Bala sa kanilang pulong pero ipinatanggal naman sa record ng kanilang minutes of meeting.
Hindi naman na itinuloy ang pagpapalabas ng video ng “zoom meeting” ng CSC kung saan dito sinasabing ipinagutos ni Bala ang hindi paglalabas ng impormasyon sa kaso ng PhilHealth.
Sa kasalukuyan ay may 19 na kaso ng PhilHealth ang nakabinbin sa CSC na karamihan ay administrative cases.