WATCH: LSIs mula Cebu inihatid ng Coast Guard pauwi ng Bohol

Mahigit 100 locally stranded individuals (LSIs) sa Cebu City ang tinulungan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para makauwi ng Bohol.

Isinakay ng BRP Suluan (MRRV-4406) ang mga LSI ngayong Huwebes (Aug. 27) ng umaga sa na nakadaong sa Pier 1, Aduana Wharf, Cebu City.

Ito ay para sa kanilang pagbiyahe pauwi ng Tagbilaran, Bohol.

Libre ang pagbiyahe ng mga LSI.

Sinisiguro ng mga PCG personnel na naipapatupad ang minimum health standard sa kasagsagan ng biyahe para maingatan ang mga LSI laban sa banta ng COVID-19.

 

 

Read more...