Hirit na parole ng nakapatay kay John Lennon hindi pinagbigyan

Bigo pa ring makalaya ang lalaking bumaril at nakapatay kay John Lennon.

Ito ay makaraang mabasura sa ika-11 pagkakataon ang hirit niyang parole.

Matapos ang panayam sa kaniyang parole baord, muling nabigo si Mark David Chapman na makalaya.

Ang 65 anyos na si Chapman ay nakakulong at pinagsisilbihan ang 20 taon hanggang habambuhay na pagkakabilanggo na sentensya sa kaniya ng korte.

Noong Dec. 8, 1980 ay binaril ni Chapman si John Lennon ilang oras matapos itong magpa-authograph sa Beatles member.

Sa August 2022 muling sasalang sa parole hearing si Chapman.

 

 

 

 

Read more...