Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 24.3 million na

Umabot na sa mahigit 24.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Huwebes (Aug. 27) ay 24,323,081 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 271,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa mahigit 6 na milyon matapos makapagtala ng mahigit 44,000 pang bagong kaso.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 47,000 bagong kaso habang mahigit 60,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.

Ang Colombia ay umakyat na sa pang-pito sa mga bansang may pinakamaraming kaso, matapos maungusan ang datos ng Mexico.

Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 3,722,004
India – 3,307,749
Russia – 970,865
South Africa – 615,701
Peru – 613,378
Colombia – 568,621
Mexico – 572,270
Spain – 426,818
Chile – 402,365

 

 

 

Read more...