78 tauhan ng BI nagpositibo sa COVID-19

Nakapagtala ng 78 empleyado ng Bureau of Immigration na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa BI, sa nasabing bilang 29 na ang gumaling, habang isa lamang sa mga tinamaan ng sakit ang kinailangang ma-admit sa ospital.

Ang 44 sa mga tinamaan ng sakit ay pawang asymptomatic o kaya naman ay mild symptoms lang ang naranasan at nagpapagaling ngayon sa quarantine facilities.

Maliban sa 78 mga nagpositibo, mayroong 76 pang mga tauhan ng BI ang pinagsailalim sa isolation at home quarantine dahil sa pagiging probable COVID-19 cases.

58 sa kanila ay cleared na at napayagan nang makabalik sa trabaho.

 

Read more...