Dagdag na 43,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

Simula noong August 1 hanggang ngayong araw August 27 mayroong karagdagan na mahigit 43,000 na mga umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa datos na nakuha ng Radyo INQUIRER mula sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 43,467 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 54,700 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong July 8 hanggang July 30.

Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/2ExJ2qW

Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/309ZvJV

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

 

 

 

Read more...