Lalaking may dalang bomba patay sa engkwentro sa Maguindanao

Nasawi sa engkwentro ang isang lalaking may bitbit na bomba sa Maguindanao.

Ayon kay Capt. Raul Pandulo, police chief ng Datu Montawal, sinita ng mga tauhan ng 602nd Infantry Brigade ang lalaki matapos makatanggap ng tip na may dala itong homemade bomb.

Sa halip na sumuko ng maayos ay bumunot ng baril ang lalaki kaya nauwi sa engkwentro ang insidente.

Mabilis namang tumakas ang kasama ng suspek sakay ng motorsiklo.

Nakuha sa suspek ang dala nitong pampasabog na gawa sa rifle grenade na may blasting mechanism at may mga pako at metal sheets bilang shrapnel.

 

Read more...