14 na volcanic earthquake naitala sa Mt. Taal sa magdamag

Nakapagtala ng labingapat na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Batay sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.

May naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 10 meters.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas anumang oras.

 

 

Read more...