Warehouse ng chichirya sa Caloocan tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang warehouse ng chichirya sa Caloocan City.

Nagsimula ang sunog alas 2:28 ng madaling araw sa bahagi ng Barangay 168 sa North Caloocan.

Ayon sa caretaker ng warehouse, nagising na lamang siya na nagliliyab na ang bodega.

Umabot lang sa first alarm ang sunog.

Ligtas naman ang caretaker dahil mabilis siyang nakalabas ng pasilidad.

Umabot lang sa 1st alarm ang sunog at naideklarang under control alas 3:01 ng madaling araw.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

Read more...