Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 148 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 26).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,583 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,207 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,092 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 694 dahilan para umabot na sa 15,284 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,565 cases.
MOST READ
LATEST STORIES