Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.06 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (August 27) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.35 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.34 mas mababa sa antas nitp kahapon na 99.42 meters habang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.74 mas mataas sa antas nito kahapon na 78.64 meters.
Samantala, ang water level ng San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.
MOST READ
LATEST STORIES