Swiss national, 2 Pinoy arestado matapos mahulihan ng ecstasy sa Parañaque

Arestado ang isang Swiss national at dalawang kasama nitong Pinoy sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Parañaque City.

Ikinasa ng mga tauhan ng PDEA ang operasyon ngayong umaga ng Huwebes (Aug. 27) sa Aguirre Ave., Brgy. BF Homes.

Nakuha mula sa mga suspek ang maliliit na plastik na may lamang ecstasy tablets.

Tinatayang aabot sa P350,000 na halaga ng tableta ng ecstasy ang nakumpiska sa tatlong suspek.

 

 

Read more...