11 drug suspek, kabilang ang 3 most wanted, arestado sa Antipolo

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Naaresto sa isinagawang one-time big-time anti-criminality campaign sa Antipolo ang 11 hinihinalang tulak ng droga kabilang ang tatlong most wanted sa lugar.

Madaling araw pa lamang ng Huwebes nang umpisahan ng Antipolo City Police ang pagsalakay sa apat na barangay na kinabibilangan ng Bagong Nayon, San Roque, Cupang at San Jose bitbit ang11 search warrants mula sa korte.

Ayon kay Major Aries Dogwe, deputy police chief ng Antipolo City Police, siyam na lalaki at dalawang babae ang kanilang naaresto na pawang hinihilang drug pusher at may nasabat ding mga shabu at drug paraphernalia.

Nakilala ang mga nadakip na sina Anthony Aguilar, Vince Esguerra at Raul Alfonso na pawang nasa listahan ng Most Wanted ng Antipolo Police. Gayundin sina Adonis Septimo, Roy Yabut, Florante Castañeda, Roy Abalos, Menard Laguio, Alvin Iglesias at sina Glenda Aloncera at Babyruth Tañada.

Pawang nakakulong ngayon sa Antipoli City Police detention cell ang mga suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Read more...