Ayon kay Carmona Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Marshall Senior Inspector Rosalinda Tocmo Sta. Ana, ang mga manggagawa sa planta ay hindi na muna pinapasok ngayong araw.
Ang ammonia leak ay naganap sa Polytrade ice na isang planta ng yelo.
Sa ngayon nagtutulong-tulong ang mga tauhan ng BFP, Philippine National Police (PNP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para mapigil ang leak.
Ayon kay Sta. Ana, kinurdonan na ang lugar at mahigpit na binabantayan para matiyak na walang makapapasok na factory workers.
Ang mga kalapit na pabrika na Hamlin at Golden Mile ay nagsuspinde na rin ng operasyon dahil sa masangsang na amoy na dulot ng ammonia leak.
May ginagawa ring sariling imbestigasyon ang pamunuan ng ice plant at kanilang technical personnel para malaman kung ano ang pinagmulan ng leak.
Kahapon umabot sa nasa 40 ang naospital matapos makalanghap ng masangsang na amoy.