Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 18,450

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (August 26, 3:00 PM) nakapagtala ng 874 na bagong kaso kaya pumalo na sa 18,450 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,004
Laguna – 7,036
Batangas – 2,814
Rizal – 3,663
Quezon – 933

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,151.

Nasa 5,842 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 346 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 844
Laguna – 2,114
Batangas – 1,159
Rizal – 1,247
Quezon – 478

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 11 kaya umabot na sa 457 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 78
Laguna – 110
Batangas – 77
Rizal – 161
Quezon – 31

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...