COVID-19 cases sa Muntinlupa City, 3,065 na

Nasa 3,065 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (August 26), sa nasabing bilang ay 743 ang aktibong kaso.

691 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 597 ang suspected cases.

Samantala, 2,208 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 114 naman ang nasawi.

Read more...