Mabigat na parusa, ipinataw ng UN sa North Korea dahil sa nuclear test at rocket launch

EPA AFP Photo
EPA AFP Photo

Pinatawan ng mabigat na parusa ng United Nations ang North Korea dahil sa pagsasagawa ng nito ng ikaapat na nuclear test at rocket launch.

Inaprubahan unanimously ng Security Council ng UN ang resolusyon na magpapataw ng parusa sa North Korea.

Kabilang sa parusa ang pagpapataw ng bagong requirement sa lahat ng mga bansa na dapat busisiin at isailalim sa mahigpit na pagsusuri ang lahat ng cargo na patungo at galing sa North Korea.

Nakasaad din sa resolusyon ang pagpapataw ng ban sa North korea na makapag export ng coal, iron at iron ore at iba pang mineral. Pinagbawalan din itong mag-supply ng aviation fuel kabilang ang rocket fuel.

Kumikita ng $1 billion kada taon ang North Korea mula sa kanilang coal exports at nasa $200 million na taunang kita naman mula sa iron ore.

Ikinatuwa naman ni US President Barack Obama ang nasabing sanction ng UN, dahil ito na aniya ang panawagan ng maraming bansa matapos ang ginawang nuclear test ng North Korea noong January 6 at rocket launch noong February 7.

“The international community, speaking with one voice, has sent Pyongyang a simple message: North Korea must abandon these dangerous programs and choose a better path for its people,” ayon kay Obama.

Read more...