Resignation letter ni PhilHealth Pres. Morales, natanggap na ng Palasyo

Natanggap na ng Palasyo ng Malakanyang ang resignation letter ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Ricardo Morales.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, base sa kanyang pakikipag-usap kay Executive Secretary Salvador Medialdea, sinabi nito na natanggap na niya ang liham ni Morales.

“Nakausap ko si Secretary Medialdea at natanggap na niya resignation,” pahayag ni Go.

Sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na hinihintay pa kung ano ang magiging direktiba ng pangulo ukol dito.

“We are still awaiting President Rodrigo Roa Duterte’s further action/instruction on the matter,” ani Roque.

Una rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinagsabihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Morales na magbitiw na sa pwesto.

Nadadawit si Morales sa umano’y ‘mafia’ sa PhilHealth kung saan kinukuwestyon ang bilyong piso pondo.

Read more...