Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 26), pumalo na sa 3,234,474 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 707,267 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 63,173 ang mga gumaling.
Dahil dito, 2,467,758 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 59,449 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES