Naitalang aftershocks matapos ang malakas na lindol sa Masbate, 450 na

(UPDATED) Patuloy na nakararanas ng aftershocks sa bahagi ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, umabot na sa 450 ang naitalang aftershocks sa nasabing lalawigan.

Ito ay matapos ang tumamang magnitude 6.6 na lindol sa bayan ng Cataingan noong August 18.

Ang nasabing bilang ng aftershocks ay naitala hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (August 26).

Umaabot sa magnitude 1.6 hanggang 5.1 ang lakas ng mga naitatalang aftershocks.

Read more...