Graphic Health Warning sa sigarilyo, epektibo na ngayong araw

From DOH
From DOH

Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng Graphic Health Warning Law at obligado na ang mga kumpanya ng sigarilyo na maglagay ng mga larawan na nagpapakita ng banta sa kalusugan ng paninigarilyo sa kanilang mga produkto.

Ayon kay Department of Health Secretary Janette Garin, sa ilalim ng batas, dapat may printed na labing dalawang graphic health warning ang mga kumpanya ng sigarilyo.

Ang larawan na nagpapakita ng mga sakit na maaring makuha dahil sa paninigarilyo ay dapat ilagay sa mga pakete ng sigarilyo.

Papayagan naman ng DOH ang mga tobacco companies na ubusin ang mga lumang supply ng sigarilyo na wala pang graphic health warnings, pero sa lahat ng bagong suplay, dapat ay mayroon nang mga larawan.

Sa pagsisimula ng implementasyon ng batas, magkakaroon ang DOH ng assessment para matukoy kung gaano kalaki ang magiging epekto sa mga naninigarilyo o kung mababawasan ba ang bilang ng mga naninigarilyo dahil sa paglalagay ng graphic health warnings.

Read more...