Clinton at Trump, papalapit na sa showdown

Clinton-Trump-0222Malapit-lapit nang makamit nina Democrat Hillary Clinton at Republican Donald Trump ang nominasyon ng kani-kanilang partido.

Pareho na kasing nakakuha ng 7 panalo sa 11 estado sina Clinton at Trump noong Super Tuesday, o ang pinakamalaking araw para sa primary campaign, at mukhang sila na nga talaga ang napili ng mga tao na i-representa ang kani-kanilang partido.

Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng ‘epic showdown’ ang dalawa sa halalan ng US sa buwan ng Nobyembre.

Nakuha ni Trump ang boto ng Republicans sa Georgia, Vermont, Tennessee, Massachusetts, Alabama, Arkansas at Virginia.

Si Clinton naman ang ibinoto ng mga Democrats sa Massachusetts, Texas, Arkansas, Alabama, Tennessee, Georgia at Virginia.

Naipanalo naman ng kalaban ni Clinton na si Bernie Sanders ang Oklahoma, Minnesota, Colorado at ang kaniyang home state na Vermont.

Ang mahigpit na kalaban naman ni Trump na si Sen. Ted Cruz, ay nanalo sa caucuses sa Texas, Oklahoma at Alaska, habang ang paborito ng Republican na si Marco Rubio ay unang nanalo sa caucus sa Minnesota.

Narito ang kabuuang bilang ng mga panalo ng mga kandidato:

Democrats:
Hillary Clinton: 7
Bernie Sanders: 4

Republicans:
Donald Trump: 7
Ted Cruz: 3
Marco Rubio: 1

Read more...