Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 103 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 10:54 ng umaga.
121 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani.
Wala namang napaulat na pinsala sa Sarangani at ilang karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES