Naghain ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Supreme Court ang ilang mga pari at madre na miyembro ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP at mga miyembro ng Catholic Laity.
Nakasaad sa petisyon na “unique” ang kanilang petisyon dahil binibigyang-diin dito ang paglabag ng Anti-Terrorism Law sa “freedom of religious expression” ng Simbahan kaya marapat na ideklarang “unconstitutional” ang batas.
Ayon sa grupo, mahahadlangan ng nasabing batas ang misyon ng Simbahan.
Sinabi ni Father Angelito Cortez, executive secretary ng AMRSP, hindi kailangan ng bansa ng isa na namang “inhumane and oppressive law.”
Ang kailangan aniya ng bansa ngayon ay mga batas na magdadala ng hustisya, kapayapaan at integridad.
Dagdag pa ni Father Cortez, ang mga taong Simbahan ay “servants” ng Panginoon at hindi mga terorista.
Sa ngayon, nasa 30 na ang mga petisyon laban sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act.