Operasyon ng consular office ng DFA sa Tuguegarao suspendido hanggang Sept. 4

Suspendido muna ang operasyon ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Tuguegarao City.

Ito ay kasunod ng pagsasailalim sa naturang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa abiso ng DFA na nakuha ng Radyo INQUIRER, suspendido muna ang operasyon ng kanilang consular office mula August 26 hanggang September 4, 2020.

Ang mga apektadong aplikante ng passport na mayroong kumpirmadong appointments sa nasabing mga petsa ay kailangang kumuha ng bagong appointment sa pamamagitan ng pagpapadaka ng e-mail sa tuguegarao.rco@dfa.gov.ph.

Kailangan lamang ibigay ang with the following information:

– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Maaring pumili ng oras para sa bagong appointment sa pagitan ng alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon mula simula sa September 7 hanggang October 7, 2020.

 

 

Read more...