Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.35 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (August 26) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.68 meters.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 99.42 meters habang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.64 mas mataas sa antas nito kahapon na 78.55 meters.

Samantala, ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Magat at Caliraya dams.

 

 

Read more...