Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 2,363 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Umabot naman na sa 1,439 ang mga gumaling sa sakit at 909 na lang ang aktibong kaso.
Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte, Southern Leyte at Samar.
Karamihan ay close contacts ng nauna nang mga pasyente.
Habang lima sa mga bagong kaso ay pawang healthcare workers.
MOST READ
LATEST STORIES