Coach ng batang nalunod sa Manila Bay, pinalaya na

Sumadsad na Barge sa Manila Bay via RickyPinalaya na mula sa kulungan ang coach ng Philippine Sailing Team makaraang i-atras ng mga magulang ng nalunod na 14-anyos na batang lalaki sa Manila Bay ang kaso laban sa kaniya.

Pinayagang maka-alis sa homicide section ng Manila Police District si Felipe Mosquera, Martes pa lang ng hapon.

Nag-hain na kasi ng affidavit of desistance ang pamilya ng biktima.

Ayon kay PO3 Michael Marragun, ini-utos ni inquest prosecutor Joven Senados ang pagpapalabas kay Mosquera.

Una nang kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide si Mosquera dahil sa pagka-matay ni Clarence Jhon Sanchez na nalunod sa Manila Bay habang nagsa-sanay sa ilalim ng kaniyang patnubay.

Read more...