Mga cobra, naglabasan sa lungga sa Kidapawan dahil sa sobrang init

drought el nino mindanaoDahil sa sobrang tag-init, naglalabasan sa Kidapawan City ang mga cobra na bukod sa mapanganib sa mga residente, dumadagdag pa sa paninira ng mga pananim.

Ang 62-anyos na lalaki na si Bonifacio Digao ay namamahinga lang sa kaniyang kubo nang bigla siyang tuklawin ng isang king cobra sa Barangay Sumbac, na isang komunidad ng rubber plantation.

Ayon kay Kidapawan Disaster Risk Reduction and Management Council head Psalmer Bernalte, si Digao ay nakagat ng isang 2.44 metrong haba na cobra na kilala sa lugar bilang “banakon.”

Na-comatose si Digao sa isang ospital na tinukoy na ospital.

Napatay ng mga kapitbahay ni Digao ang ahas, ngunit pinaalalahanan na rin sila ng mga lokal na opisyal na mag-ingat dahil nagsisi-labasan ang mga ahas sa kanilang lungga kapag labis na ang init ng temperatura.

Ayon kay Mayor Joseph Evangelista, ang mga ahas ay karaniwang nagha-hanap ng lugar na malamig, at isa rito ay ang mga rubber plantation.

Sa Misamis Oriental naman, patuloy pa rin ang dagok sa kabuhayan ng mga residente dahil lalong dumarami ang mga pananim nila na nasisira dahil sa tag-init.

Kasabay ng pagka-sira ng kanilang mga pananim ay ang pagka-baon nila sa utang dahil naka-ilang hiram na ng pera ang ilang magsasaka para makabili ng mga seeds at fertilizers.

Read more...