Manila North Cemetery, may libreng cremation services para sa mga taga-Maynila na nasawi bunsod ng COVID-19

May libreng cremation services ang Manila North Cemetery.

Ayon kay Manila North Cemetery director Roselle ‘Yayay’ Castañeda, ito ay para lamang sa mga residente ng Maynila na nasawi dahil sa COVID-19.

Maaari aniyang dalhin ang urn ng pumanaw na residente ng lungsod sa nasabing sementeryo.

Sinabi pa ni Castañeda na “first-come, first-served basis” ang ipinatutupad sa libreng cremation services.

Read more...