Binabantayang LPA, posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa sa susunod na 48 oras

Photo grab from DOST PAGASA website

May isang binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, huling namataan sa layong 1,160 kilometers Silangan ng Visayas bandang 3:00 ng hapon.

Posible aniyang pumasok ang LPA sa loob ng teritoryo ng bansa sa susunod na 48 oras.

Maaari aniyang makaapekto ang LPA sa Bicol region at Eastern Visayas sa mga susunod na araw.

Samantala, patuloy namang napapalakas ng bagyong may international name na “Bavi” na dating tinawag na “Igme” ang Southwest Monsoon o Habagat.

Sinabi ni Clauren na partikular na naaapekto nito ang Hilaga at Gitnang Luzon.

Martes ng gabi, August 25, asahang magdadala aniya ang Habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Ilocos provinces, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa, maninipis na ulap lamang ang umiiral kung kaya posible lamang ang mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.

Read more...