Ginebra Kings, naka-tatlong panalo na sa PBA

ginebra mahindraNasungkit ng Barangay Ginebra Kings ang kanilang ikatlong sunud-sunod na panalo nang patumbahin nila ang Mahindra Enforcers sa iskor na 104-86 sa 2016 PBA Commissioner’s Cup na ginanap Miyerkules ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Muntik nang makakuha ng triple-double si Othyus Jeffers ng Ginebra makaraang maka-kolekta ng 24 points, 13 rebounds at 7 assists, habang nakakuha rin ng maraming tulong mula kina LA Tenorio.

Tuwang-tuwa naman ang kanilang coach na si Tim Cone sa ipinakitang gilas ng koponan, at sa tingin niya ay napakaganda ng depensang ipinakita ng kaniyang mga manlalaro lalo na nang gwardyahan nina Greg Slaughter at Japeth Aguilar si Augustus Gilchrist ng Mahindra.

Kontrolado naman aniya ni LA ang opensa ng kanilang team.

Read more...