LOOK: Inirereklamong madulas na tiles sa Pasig Mega Market, pinalitan na

Sinimulan nang palitan ang tiles sa Pasig Mega Market.

Sa Facebook, sinabi ni Mayor Vico Sotto sinimulan nang palitan ang madulas na tiles na mahigit 12 taon nang inirereklamo ng mga residente.

“After 12 years!! Nasimulan nang palitan ang nirereklamo niyong madulas na tiles sa palengke,” ayon sa alkalde.

Una aniyang pinalitan ang tiles sa bahagi ng meat section.

Nagpaalala rin si Sotto sa bagong Mega Market Coding Scheme kung saan 15 barangay ang papayagang makapasok sa nasabing pamilihan kada araw.

Maliban dito, sinabi rin ng alkalde na sundin pa rin ang Foot Traffic Scheme at iba pang health safety protocol tulad ng pagsusuot ng face mask.

Read more...